Kagandang Anyo
Normal lamang sa isang babae ang mag hanap ng paraan kung paano gumanda, maging ano man ang estado mo sa buhay. Ang nakakatuwa, hindi hadlang ang pagiging mahirap o kaya ang edad kung gusto mong maging maganda. Ang totoo, ang panlabas na kagandahan ay madaling makita at hangaan ng karamihan sa mga tao. Pero mahalaga rin ang panloob na kagandahan, na pinagmumulan ng kagandahang asal at tamang pakikitungo sa kapwa.
PAANO GUMANDA: IPAKITA ANG PANLABAS NA KAGANDAHAN
Ang panlabas na kagandahan ay tumutukoy sa kagandahang pisikal, ang mga bagay na nakikita ng mata ng mga tao. Kung gusto mong maging maganda, kailangan mong magkaroon ng magandang katawan. Hindi mo naman kailangang sumailalim sa komplikadong mga diet o kaya ay tumakbo ng sampung milya araw araw para magkaroon ng magandang pangangatawan. Ang pagkakaroon ng magandang katawan ay maaaring mangahulugan ng pagiging maingat sa kung ano ang ipinapasok mo sa katawan mo o kung ano ang ginagawa ng katawan mo sa araw araw.
EHERSISYO PARA GUMANDA
Kailangan mong mag ehersisyo. Ang pag eehersisyo ng tatlumpung minuto tatlong beses kada linggo ay maaaring magdulot ng magandang resulta sa pangangatawan mo. Baka mabigla ka sa maaaring maging epekto ng pag yoyoga, paglalakad araw araw, o pag langoy bilang ehersisyo!
Maaari ka ring makatagpo ng bagong mga kaibigan dahil sap ag eehersisyo. May mga tao ring nakakapag isip-isap habang naglalakad.
Ang pag eehersisyo ay nakatutulong na mapanatili mo ang magandang balat. Kung tama ang dami ng iyong page exercise, ikaw ay magiging mas masaya sa buhay na may sapat na lakas na magagamit mo sa araw araw.
KUMAIN NG TAMA PARA GUMANDA
Kumain ng tatlong balanseng kainan. May mga taong nagpapalipas gutom sa pag aakalang makakatulong ito sa kanila na magbawas ng timbang. Ngunit ang totoo, ang pagpapalipas gutom ay nakadaragdag lamang sa problemang katabaan.
Kumain ng prutas at gulay araw araw. Umiwas sa pagkain ng mga naproseso at matatabang pagkain dahil sisirain lamang nito nito ang iyong sistemang panunaw.
Makinig sa sinasabi ng iyong katawan. Ang pagiging maganda ay hindi nangangahulugan ng labis na ehersisyo at pag didiyeta. Kung sa pakiramdam mo ay pagod na pagod ka para bang magkakasakit, pwede mo namang ipag paliban muna ang iyong skedyul. Mas maganda ang hindi muna pag eehersisyo kaysa namang pilitin moa ng iyong sarili kahit hindi mo kaya. Ang pagkakasakit ay maaaring maging dahilan ng hindi mo pag eehersisyo sa loob ng ilang mga araw.
PANGANGALAGA SA BALAT PARA GUMANDA
Kahit ano pa man ang iyong skin tone, huwag na huwag kang magbibilad sa araw. Kung sa tingin mo ay mabibilad ka sa pupuntahan mo, gumamit ka ng sun block na may SPF 15 o mas mataas pa. May mga taong nag iisip na hindi mo na kailangang mag lagay ng sun block kung medyo makulimlim naman ang panahon. Ang totoo, ang ultra violet rays na siyang nakakasunog ng balat ay mas mataas sa mga panahong hindi masyado maaaraw. Palaging mag baon ng sun block.
MALIGO ARAW ARAW PARA GUMANDA
Pero tandaan, ang pagiging malinis sa katawan ay mas mahalaga kaysa sa paggamit ng sun block, lip balm o makeup. Ito ay hindi opsyonal, ito ay isang pangangailangan na hindi dapat baliwalain. Kung ikaw ay amoy malinis, mas hahangaan ka ng mga tao kahit sa unang paghaharap pa lamang. Kaya maligo araw araw para mag amoy presko at malinis. Linisin ang buhok gamit ang shampoo para hindi ito mag mukahang oily. Gumamit ng deodorant bago lumabas ng bahay.
LINISIN ANG MGA KAMAY AT PAA
Panatilihing malinis ang mga kamay at paa. Ang mga bahaging ito ng katawan ay kadalasang naaabuso dahil sa pang araw araw na mga gawain. Siguruhing malinis ang balat sa kamay at paa. Maghanap ng mapagkakatiwalaang nag pepedicure at nagmamanicure kung hindi ka masyadong marunong sa kuko.
ALAGAAN ANG IYONG MGA NGIPIN
Protektahan moa ng iyong mga ngipin. Ito ay hindi lamang magbibigay saiyo ng napakagandang ngiti kundi magpapahintulot ito saiyo na kainin ang lahat na pagkain nanaisin mo, kahit matanda ka na. Magsipilyo sa umaga at sa gabi bago matulog, o sa mga pagkakataong kailangan. Magpatingin din sa dentista kada anim na buwan. Ang regular na checkup ay tutulong saiyo na makaiwas sa pagkakaroon ng matinding karamdaman sa bibig. Kung gusto mo, maghanap ka ng paraan upang mas pumuti ang iyong mga ngipin.
Thankyou :)